Judy Ann Santos Ad on Meralco System Loss

"Ano ba talaga ang system loss?"
"Parang yelo, Pag bumili ka sa labas, bayad yung buong bag. Pero bago umabot sa bahay, may tunaw na."

Bakit? pag customer ka sa isang restaurant at umorder ka ng softdrinks, tunaw na yelo ba ibibigay sayo? Syempre hindi, dahil magagalit ang customer. Tama ba namang ipasa sa taong bayan ang operations expense ng isang restaurant? Yes, may kinikita ang restaurant sa softdrinks, bakit? ang Meralco wala ba? Tulad ng restaurant, ang Meralco dapat sinisiguradong masaya ang mga customers nito. Medyo di kelangan di po ba? Dahil monopolized ng Meralco ang pag-supply ng kuryente. Kawawang Juan dela Cruz!


"Pero kahit gaano kalaki ang system loss, halagang aprubado lang ng gobyerno ang pwedeng ipasa sa taong bayan. Yan ang batas."

Yun naman pala, batas pala. Sino ba ang nagpanukala ng batas na ito? Ano kaya layunin nila? Eh bakit quini-question ngayon ng batas ang Meralco?